Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga titik: PN (aspektong pangnagdaan), PK (aspektong pangkasalukuyan), PH (aspektong panghinaharap), KT (aspektong katatapos), o PW (aspektong neutral o pawatas). 1. Pasasalamatan ko ang mga taong tumulong sa akin upang makamit ko ang aking pangarap. 2. Hindi mabuti ang magtanim ng galit. 3. Sumayaw sa entablado ang magkakapatid. 4. Kagagaling ko lang sa opisina kaya nagpapahinga ako. 5. Nais nilang turuan ang mga bata ng mabubuting asal. 6. Binubuhat ni Mang Tonio ang mabigat na sako ng bigas. 7. Halina sa kusina dahil kaluluto lang ni Inay ng meryenda. 8. Ang sanggol ay binabantayan ni Ate Carla sa sala. 9. Ang lalaki ay sumaklolo sa matandang babae na nahimatay. 10. Patutunayan ko na kaya kong pangasiwaan ang proyektong ito.
Upstudy ThothAI Solution
Quick Answer
Step-by-step Solution
Enter your question here…